#can you still be friends with your ex

LIVE
image

PWEDE kapag,

1. Matagal na siyang single tapos single ka pa rin.

2. Moved on na kayo pareho tapos di na big deal yung past. Pramis. As in.

3. Minahal mo naman siya pero sapat lang.

4. Mas nauna kayong maging magkaibigan kesa magka-ibigan.

5. Apelyido niya Ayala or Gokongwei.

6. Wala ka ng kahit anong feelings pero ang yummy niya pa rin.

7. Siya yung ama ng dinadala mo ngayon… na shih tzu.

8. Hindi pa bayad sa utang.

9. Pinapadalhan pa din siya ng mama mo ng fruit salad kapag may bertdeyan.

10. Cause of break-up: Inagawan ng balat ng manok. 

11. Nabalitaan mong nanalo sa LOTO.

12. Youtuber ka tapos kelangan mo ng publicity. StarMagic Artist ka tapos may teleserye ka.


HINDI NA PWEDE kapag,

1. Third-party ang dahilan ng break-up.

2. Ilang beses mo ng nahuling lumandi pero izza prank lang daw yon.

3. Si besSssS ang bago niyang jowa.

4. Toxic pa rin ampota.

5. Nakakatanggap ka pa rin ng death threat galing sa pamilya niya.

6. Kapag ang yummy niya pa rin tapos FUBU gusto mo. 

7. Naka-blotter ka pa rin hanggang ngayon.

8. Nakamove-on na kayo pareho pero pinagseselosan ka pa rin ng jowa niyang praning.

9. Ikinalat niya yung scandal niyo pero yung mukha lang niya yung naka-blurred.

10. Kapag di na nakakatanggap ng sustentong dog food yung alaga niyong shih tzu.

11. Hinahagisan ka ng teargas ng  tropa niya kapag nakikita ka.

12.  Mahal mo pa rin pero taken na siya.

13. Mahal mo pa rin pero taken ka na.

14. Self-proclaimed nakamoved-on ka na pero ang sakit pa rin.

15. Fully moved-on ka na pero di mo pa rin kayang patawarin.

16. Super duper fucking moved-on ka na pero putangina niya pa ren.


First of all, bakit kelangan mong kaibiganin ang ex mo? Walang-wala ka na bang kaibigan? Kung kailangan mo ng kaibigan madami sa Tinder. Second of all, wala ng second of all hanggang first of all lang.Isipin mo yon, there are 7.8 billion people in this world, pero mas pinili mo pa ring kaibiganin yung taong nanakit at nanloko sa’yo kahit hindi naman mandatory, eh di bahala ka sa buhay mo. Hindi ko naman sinasabing shunga ka ha. Wag kang sensitive. Ang sabi ko lang bahala ka sa buhay mo.

Magjowa tapos magkaibigan after? Ang tawag diyan downgraded relationship. Para kang naka-iphone11 na nasira tapos pinalitan ng iphone4 na di na pwedeng iupdate ang IOS kasi phase out na. Why would you settle for a downgrade relationship? Unless may iba kang habol or gusto mo pa ring maghabol.

Being friends with your ex is a sign of maturity daw. Sus walang ganon! Matured ako kahit di ko kaibigan yung ex kong mukhang alamang. Pahidan ko siya ng kulangot sa bibig eh. Maturity is being able to forgive and forget the past na may respeto pa rin sa isa’t-isa kahit ang sarap niyang i-hadouken sa ngala-ngala. Pero hindi ibig sabihin na dapat kailangang maging magkaibigan pa rin. You can be at peace with someone kahit hindi na kayo magkaibigan. ‘Tamang magkakilala na lang’ pwede na yon. Minsan sapat na yung naging parte sila ng nakaraan natin na hindi na pwedeng dugtungan pa. Bahagi na lamang ng nakaraan. Artifact. Ganon. 

loading