#signs na ikaw ay marupok

LIVE

SIGNS THAT YOU ARE A NEXT LEVEL INTERGALACTIC MARUPOK

Sa sobrang rupok mo, napagdesisyunan ng buong Pilipinas na kanselahin na lang ang Linggo ng Wika at palitan ito ng ‘Linggo ng Weak Ka’ bilang gawad sa walang humpay mong karupukan. Ito ang mga naging basehan ng nasabing parangal na hinding-hindi mo pwedeng ikaila.

1. Nung umakyat ka pa ng bundok para isigaw yung nararamdaman mo, “AYOKO NA SA KANYAAAAAAAAAA… PA RIN BABALIK SIGAW NG DAMDAMIN”

2. Nung nakipagmeet ulit siya sa’yo after ka niya i-ghosting tapos ang sabi mo, “Wow. Anong akala mo sa’kin tanga? Na maniniwala na naman sa mga pambobola mo tapos sa huli iiwan mo na naman sa ere? Ang kapal ng mukha mo di ko na nahiya! Wat time ba?”

3.Yung mag-iipon ka na talaga kaso nag-sale ang Lazada, Cebpac at Watsons. Siyempre sinuportahan mo na lang ang ekonomiya ng bansa. 

4.Nung kinumusta ka ni crush sa text, ang reply mo, “I DO.. am fine.”

5. Nung tinanong ng cute na barista kung anong name yung ilalagay sa drinks ang sagot mo, “SingleAndReadyToMingle”

6. Nung nagpost si crush ng joke sabay PM mo, “HAHAHAHAHHAHA andami kong tawa mga 09175740928x kainis to HAHAHAHA.”

7.Nung confused ka kung kakausapin mo pa siya o hindi na kaya humingi ka na lang ng sign, “Uhmmmm… Kakausapin ko siya pag open pa din ang 7/11 mamaya. *crossfinger”

8.Nung humingi ka ng advice sa bestfriend mo, 

“Sa tingin mo ba bibigyan ko pa siya ng second chance?” 

“Hay nako bwisit ka, tagal mo magreply kami na ulet.”

9. Yung tinanong ng cashier kung dine-in or take-out, ang sagot mo, “Take me.” tapos ikaw pa yung kinilig.

10.Nung nakasalubong mo si crush,

“Pag lumingon ka, akin ka.” 

Eh hindi lumingon.

“May 2nd try pa naman. hihi”

11.Nakasalubong mo ulit si crush,

“Pag lumingon ka, akin ka.”

Eh di na naman lumingon. 

So nagpunta ka na lang sa harapan, ikaw na nag-adjust.

12.Nung super moved-on ka na at handa ka nang harapin ang panibagong pagsubok na dadating sa buhay pero nung bigla mong narinig na kinakanta ng kapitbahay sa videoke ang “I will Always Love you” bumalik ulit lahat ng sakit.

13.Nung once na ma-view ni crush ang MyDay mo, nagpatahi ka agad ng wedding gown.

14.Ikaw na lang palagi ang nag-aadjust, “Hi crush, free ka ba this year tska next year? Okay. It’s a date!”

15.Nung one time na nawalan ka ng balance sa tabi ng crush mo,  sabay kapit, sabay pisil, sabay smile, may pag-moan pa.

16.Nung tinanong ka ng cute na waiter, “Willing to wait po mam?” Ang sagot mo, “Depende kung wala kang lakad after nito hihi.” 

17.Tinawag ka lang na “Uy ganda! Bili ka na!”, pinakyaw mo agad lahat ng paninda tinanong mo pa kung kelan ang dating ng ibang stocks, nagpareserve ka pa.

18.Yung desidido ka na talagang magdiet tapos bumulong yung tropa mo, ‘Buffet tayo. Libre ko.” kaso naisip mong madaming taong nagugutom sa panahon ngayon at nangangailangan ng tulong kaya umoo ka. Ikaw kasi yung gutom.

19. Nung humingi ulit siya ng chance pagkatapos ka niyang ipagpalit sa iba, “Sa tingin mo bibigyan pa kita ng chance after mong di magparamdam ng mahabang panahon tapos ngayon bigla bigla ka na lang susulpot na parang walang nangyari. Di porket hot ka, tapos kapag ngumingiti ka lumalabas ang dimples mo tapos yung mga mata mo nangungusap na parang ako lang yung mahal mo, hay naku halika nga.”

20. Mega-post ka sa twitter ng, “Lahat ng lalaki manloloko! Ayoko na magmahal!!!” Tapos after 5 minutes, “Hi guys false alarm. Nagpadala siya ng Jollibee ok na kami.”

21.Yung nakasabay mo sa jeep yung ex mo tapos tinanong ng drayber kung ilan sa bente, “Dalawa po! Isang nang-iwan at isang umaasang babalikan pa rin.” in dignified tone.

—-

Akshwally, okay lang naman maging marupok. Lahat naman tayo ganyan lalo na sa taong gusto natin. Patunay lang yan na hindi tayo manhid and that we are capable of loving unconditionally kahit hindi tayo kayang mahalin pabalik. Pero alam mo kung anong mali? Ang maging desperado lalo na sa maling tao. Repeating the same mistakes and expecting a different solution is insanity lalo na kung sa parehong tao. Hindi ka na marupok nun, baka likido ka na. You just conform to the shape of the container. So choose your battle wisely. Wag mong hayaang gamitin ng iba ang karupukan mo para lalo kang saktan. Darating ka din sa episode ng buhay mo na may taong magmamahal sa’yo na kayang ibalik yung pagmamahal na binibigay mo, yung hindi itatratong kahinaan ang pagiging marupok mo. Sa ngayon, protect your feelings muna at all cost. 

Don’t be a next level intergalactic marupok. Be marupok with a virtue.

loading