#simpleng buhay

LIVE

Para sa'yo, paano ang simpleng buhay? Sakin simple lang, ang simpleng buhay ay buhay na walang ganong gastos, walang ganong barkada, walang ganong gala atbp.

Sa ngayon, school - bahay lang ang routa ng buhay ko. Wala ng masyadong gala pagkatapos ng klase, wala ng ganong kain sa labas (Mcdo, KFC, Jollibee etc.,) Ngayon, ayoko na munang gumastos ng masyado sa barkada, sa mga paglabas labas namin. Mas gusto kong tulungan si Mama, alam kong mas kailangan nya ng kasama dito sa bahay. Dahil lahat kaming magkakapatid, palaging wala, asa trabaho, nasa eskwelahan.

Sa kasalukuyan, inamin ni mama na may sakit si papa. Baka nga daw hindi na namin kayanin ang college namin ni Ate kasi parehas kaming Engineering. Kailangang operahan si papa, at magiging malaki ang gastos dito. Umiiyak si mama sa harap ko nung sinabi nya sakin yun. Pero sabi nya, ayaw nyang may titigil samin ni ate.

Kaya ngayon pa lang, sinasanay ko na ang sarili ko sa simpleng buhay. Ayoko ng gumastos masyado, siguro mas kailangan ako ni Mama, ni papa na din.

loading