#the one that ghost away

LIVE
image

Habang nag-eecho yung boses ni Manong kakasigaw ng “Tahooooooo!!!”, may biglang lumapit sa kanya para bumili ng “Venti Pasteurized Soft Tofu with extra caramelized brown sugar without pearl” a.k.a Taho with extra arnibal na walang sago. Nung eksaktong iaabot na ni Manong ang order ni Kuya, bigla na lang siyang nag-walkout at di na muling bumalik. And I was like, “Shet, na-ghosting yung Taho!”

Kung ang Meralco nga may pa-notice of disconnection bago kayo putulan ng kuryente, sana ol may pasabi muna bago mang-iwan hindi yung mang-ghoghosting na lang bigla di ba? Pero nasaan na nga ba siya pagkatapos kang iwan ng basta-basta?

May mga theories tayo para jan.

THEORY #1.

He needed space kaya ayun napadpad sa alternate universe at na-trap sa space-time continuum. Nasa kabilang dimensyon kaya hindi mo na ma-mention.

THEORY #2.

Kapiling na niya ang mga kapwa niya maligno sa mundo ng mga engkanto at ang kailangan mong gawin upang maramdaman ang kanyang presensya ay magtirik ng itim na kandila, mag-alay ng spaghetti at hintaying gumalaw ang baso.

THEORY #3

He needed time for himself kaya ayun, nung nagkaglitch ang time-machine ni Doraemon napadpad siya sa panahon ng mga dinosaurs. Babalik naman siya, nasa talyer pa lang yung time-machine nirerepair pa.

THEORY #4

Legit sumakabilang buhay. Meaning, ‘IkaW lAnG ang BuH@y niYA’ dati pero ngayon may iba na siyang ‘BuHaY.’

THEORY #5

Nung nag-snap si Thanos para ma-eradicate ang 50% ng all life forms sa cosmos, sinuwerte siya kasi hindi siya napasama. Kaya tiniris na lang siya ni Thanos.

THEORY #6

Also called as Reversed Theory of Evolution. From Homo Sapien to unggoy ang evolution real quick. Yung utak bumalik sa pagiging unggoy kaya hindi ka na maalala.

THEORY #7

Ayon sa Chinese beliefs, ang buwan ng Agosto ay tinatawag nilang Ghost month kung saan binubuksan ang portal ng impiyerno para sa mga tigang na ghost para humanap ng mga taong mabibiktima at paaasahin at kapag natupad na ang kanilang misyon, maaari na silang bumalik sa kanilang pinagmulan. To make the story short and masaket, na-achievement unlocked ka.

—-

Ang punto dito, kahit magderive ka pa ng equation at gamitin ang kung anu-anong formula to solve for ‘X’ after considering the ‘Y’ o i-decode ang rason kung bakit ka niya iniwan, magself-doubt kung “Anong mali sa’kin?” o “saan ako nagkulang?”, o hamunin siya ng sapakin ng lips sa susunod na magkasalubong ulit kayo ng landas, the bottomline is may mga tao talaga na duwag tapusin ang isang relasyon sa matinong paraan dahil takot masaksihan ang aftermath nito.

So never demand and beg for closure. Sometimes, having no closure is the real closure because being ghosted itself is already the closure. Isang makapangyarihang kasagutan na ang magdesisyon siyang iwan ka sa ganyang sitwasyon habang patuloy niyang pinipili araw-araw na mabuhay ng wala ka.

Sa ngayon, mahalin muna ng sapat ang sarili para kusa itong mareciprocate pabalik. At lahat ng huhu mo, magiging hu u na lang. Thank u, next. Pero pakyu pa rin.

Isipin mo na lang na kung kahit papaano ay naging masaya ka sa maling tao, ano pa kaya kung sa tamang tao? And what I mean by tamang tao is— yung hindi na tayo magagawang iwan, dahan-dahan man yan o biglaan. At kung sakaling iwan man tayo, yun ay dahil nakalimutang patayin ang sinaing.

At para naman dun sa iniwang taho ni kuya, kinuha ko siya ng walang pag-iimbot at buong katapatan. Hindi dahil sayang,  kundi dahil yun din mismo ang eksaktong timpla na gusto ko.

loading