#angat buhay lahat

LIVE

randomcanbian:

May 7, 2022: Leni-Kiko Miting De Avance
↳ Makati City, Philippines

Katibayan. Resibo. Nangyari ito.

bagoong-pilipinas:

Maging panatag sa inyong ambag. May nasimulan tayong hindi pa kailanman nasasaksihan sa buong kasaysayan ng bansa. Isang kampanyang pinamunuan ng taong bayan. Isang kilusang nabuo, hindi lang para baklasin ang luma at bulok na sistema, kundi para magpanday ng totoo ar positibong pagbabago. Isinadiwa ninyo ang demokrasya, hindi lang sa pagboto, kundi sa pagmamahal sa kapwa Pilipino. Napakalaking tagumpay nito. At maituturing lang na bigo ang kampanya natin kung hahayaan nating malusaw ang mga nabuo nating samahan.

Kaya sinasabi ko sa inyo ngayon, WALANG NASAYANG. Hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga, hindi pa tayo tapos. Nagsisimula pa lang tayo.

May landas na nagbukas at hindi ito magsasara kasabay ng mga presinto. May kilusang isinilang at hindi ito papanaw sa pagtatapos ng bilangan.

Ang namulat hindi na muling mapipikit. Hindi natin kailanman hahayaang makatulog muli ang pagasa.

(2/2) The Robredo People’s Campaign

Ang mga larawan ay kuha mula sa Twitter account ni Enzo de borja

Ang mga datos ay makikita sa ibinahaging spreadsheetni Enzo de Borja

(½) The Robredo People’s Campaign

Ang mga larawan ay galing sa Twitter account ni Enzo De Borja

loading