#best date ever

LIVE

Maging tayo lang, araw-araw, magiging best date ever.

Kahit sinagot mo na ako, liligawan parin kita araw-araw.
Pupunasan ko luha mo pag umiiyak ka. Yayakapin kapag natatakot ka.
Bubuhatin pag pagod ka na. Papaypayan kapag naiinitan. Papayungan kapag nauulanan. Papasayahin kapag nalulungkot. Tutulungan sa mga assignment mo. Sasamahan kahit san pumunta.

Hahawakan ko kamay mo kapag nalulungkot ka, kapag natatakot ka o kahit wala lang, basta’t maramdaman mo sa mga palad ko na mahal kita kahit di ko sinasabi.

Yayakapin kita ng mahigpit para malaman mo kung gaano kita namiss, kung gaano ka kahalaga sakin, kung gaano ka kaprotektado pag ako kasama mo, at kung gaano kainit ang pagmamahal na nararamdaman ko para sayo.

Kahit na pagbawalan mo ko sa mountain dew,kahit na tumulo sipon mo, kahit na magpatakan balakubak mo, kahit na umutot ka sa harap ko, kahit late ka lagi magreply, okay lang, kasi mahal ko ang buong pagkatao mo, kahit ang konting imperfections mo.

Sabay tayong manonood ng sunset, at pag gabi na, magbibilang tayo ng stars. Sabay tayong magdadasal. Sabay nating tutupadin mga pangarap natin. Sabay tayong tatanda.

Hahawakan ko kamay mo upang ipakita sa buong mundo, may paki man sila o wala, kung gaano ako kaswerte sayo. Dahil tinupag ng Diyos ang dasal ko.

Kahit di na sumikat ang araw araw-araw, makita lang kita, liliwanag na ang
buhay ko. Makita ko lang ang ngiti mo, nasa langit na ako.

Maging tayo lang, araw-araw, magiging best date ever. Taga mo pa sa moon.

Sana maging tayo nga.

loading