#quaranfling

LIVE

QUARAN-FLING. Landian na pang-quarantine season lang. Walang future. Well-invested kahit walang patutunguhan. Relief goods ang kailangan pero ibang ayuda ang napunan. Feelings na pang-lockdown but will end you knockdown.

Kapag naka-16 ka sa alin mang mga signs na sumusunod, naglulupasay akong ipabatid na under #QuaranFling ka. *snaps in Z formation*

Okay. Gawin na lang nating tatlo para pasok ka talaga. Mapilit ka eh.

1.     Minamahal mo na lang kung sinong magkagusto sa’yo kasi bored ka wala kang magawa ganon.

2.     Kaka-hi lang niya sa chat pero bigla agad naging concern sa digestive system mo. “Kumain ka na ba? Wag ka papagutom ha.” ( Mapag-aruga agad? Galing sa sinapupunan? Nanay?)

3.     Kaka-chat niya lang ng “Thanks for the accept” pero bago mag-lunch mahal na mahal ka na daw niya agad. Siyempre ang reply mo, “Mas mahal na mahal ko po ikaw. Hihi”

4.     Mega open-up kayo ng mga past relationships niyo. Todo comfort ganyan, bigay advices ganyan pero yung follow-up question, “So anong suot mo ngayon?”

5.     Yung may pag-mention pa siya sa post niyang home-made Dalgona Coffee na kulang sa halo itsurang tae naman. Pero sabay PM, “Magaling ako magbate, wanna try?” *with emoji na naglulungad.

6.     “Masaya na ako sa kung anong meron tayo NGAYON” ang pamatay niyang linya. Emphasized and capslocked yung “NGAYON “kasi after quarantine, goodbye quaranfling.

7.     Yung nagchat siya ng “Send nudes.” pero ang sinend mo Payless Pancit Canton. Akala mo kasi “Send noods.” Ibang ayuda pala ang gusto.

8.    Sobrang sweet niya kasi palagi niyang nireremind sa’yo to #StayHome pero iba behavior pag nahohorny, “Walang tao dito sa bahay. Wanna come over? Hihi.” Ready ka magpabaril para sa titi.

9.     Kapag nagi-I love you ka during video call, ang palagi niyang sagot, “Chappy Chappy!” tapos bigla madidisconnect.

10.  Nung may nagtanong sa’yo kung ano bang naging ambag mo sa lipunan ngayong quarantine, walang pag-aalinlangang sinambit ng matabil mong bibig, “Nagmahal ng lubusan kahit panandalian.” with conviction.

11.  Alam niya kung anong episode ka na sa Money heist, pati design ng lace ng panty mo at the moment pero never niyo napag-usapan kung may jowa ba kayo pareho. Kashe…de nemen yen mehelege. Eng mehelege meseye keye perehe.

12.  Nagpalit siya ng relationship status sa FB pero yung privacy setting ONLY-ME.

13.  Hindi mo na ma-access yung Netflix niya after niyo manood ng #CrashlandingOnYou kasi pinalitan niya agad ng password. #CrashLANDIonYou.

14.  Yung kinilig ka nung sinabi niyang “I want us to be more than just friends after lockdown pero ang ibig sabihin talaga nun is “super duper bestfriends”. #EnhancedCommunityQuaranFLING

15.  Galit na galit ka pag nakikipag-usap ka sa malandi, “Napakakati mo! Di ka makapagpigil! Di ka na nadala!” Pero nakaharap ka sa salamin.

16.  Full of positivity at words of encouragement siya lagi kaya lalo mo siyang minamahal. “Ok lang maging kabet as long as di tayo nakakasira ng relasyon at wala tayong ginagawang masama.” 

17.  Gusto mo pa mag-extend ang lockdown kasi after nito alam mong tapos na din kayo. Mga olol.

Kung marupok ka pwede ba, (*roll eyes emoji*) tigilan mo na kakaQuaran-fling mo habang kaya pa. Hindi advisable ma-inlove ngayon, lahat bored. Isipin mo, pag natapos ‘tong quarantine na ‘to lahat kami taas noong  lalabas na feeling chef, baker, political analyst at movie expert pero ikaw, sawi kang gagapang sa lusak. Ampanget! ( Uxto mo yon?)  Sa ngayon, practice #Isolationship for the sake of humanity. Enjoy your own company by having quality “me-time.” Focus on loving and improving yourself so you’ll not engage or settle for something less than you really deserve. Saka ka na lumandi ng todo pag kaya mo ng ipaglaban ang sarili mo.

Oo na, malibog ka na. But #StayHome.

loading