#tipid tips during lockdown

LIVE


1.     Wag ng mag-abalang gumawa ng Dalgona Coffee. Lasang kabet! Masarap lang sa una pero nakakaumay. At the end of the day, dun pa din ang balik mo sa LEGIT 3-in-1 na nasa sachet. 

2.     Ugaliing gumising ng tanghali para isang kainan na lang.

3.     Kumustahin ang mga friends mong naka-Spotify premium at may Netflix account. Always remind them to stay home, keep safe and ‘Beke nemen.’

4.     Wag ipang-rebond ang nakuhang ayuda. Kakarebond mo lang nung December.

5.     Wag masyadong sarapan ang luto para hindi masyadong kainin. Ang mahalaga instagrammable.

6.     Kung sinong maghuhugas ng pinggan siya lamang ang may karapatan kumain ng pinakamalaking gayat ng manok. Yung leeg, sa walang ambag.

7.     Iwasan munang lumandi. It could save your heart from hapdi.

8.     Iwasang manood ng Mukbang vlogs para hindi gutumin. I-binge-watch ang Human Centipede at Tekas Chainsaw Massacre.

9.     Ilagay sa tabo ang pinagmumugan. Masasatisfy ang pwet mo kapag ginamit mo itong panghugas. Ma-mint mint pa.

10.   Hatiin sa maliliit na cubes ang Kojic soap. Dahil lahat ng bagay ay madaling maubos kapag binibigay agad ng buo. #TheKojicConcept

11.   Please lang pakibalik ng talong sa ref. Pwede pa yang ipangtorta as long as walang nakakaalam kung saan mo ito ginamit. Note: Pakihugasang mabuti mga 10x.

12.   Para tipid sa tubig kapag maliligo, dahan-dahan lang sa pagbuhos ng atensyon sa taong hindi naman interesado sa’yo.

13.   Picture-an ang bilbil at pakatitigan ito ng mabuti lalo na kapag napapadami ng kain. Iwasang kumurap at mapaluha pero optional ang pagpisil.

14.   Mag-enroll sa mga free online course gaya ng “How to Be a Professional Digital Artist using PicsArt”, “30 minutes Free Online Course on How to Be a Professional Chef by Panlasang Pinoy” and “1-week Online Course Kung Paano Magpatawad at Magmove-On.”

15.   Hindi required ang ‘midnight snacks’ kapag nagNenetflix, magtiyaga na lang muna sa pagngatngat ng punda ng unan.

16.   Magluto na lang kesa umorder online naman siya pero bakit di ka magawang replyan baka may ibang kausap luhhh.

17. Planuhin ang meal ng naaayon sa budget para pwede mo ng asawahin ang sarili mo. (Day 1. Tuyosilog. Day 2. Caviar-Silog. Day 3 Lumpiang tuyo. Day 4. Lumpiang Caviar) 

18.   Ipang-ulam ang abs ni crush habang pinagmamasdan ang mga hubad niyang larawan at tiktok videos na puro pa-lawlaw.

19.   Kapag mag-gogrocery, bilhin lamang kung ano ang kailangan mo siya pero hindi naman ikaw ang kailangan niya dahil may mahal na siyang iba.

20.   Para makatipid sa bigas, huwag nang isaing ipatuka na lang.

loading